Ang mga salitang tinuran ay angkop kung ang pinag-uusapan ay panooring katatakutan o patayan. Ngunit ang mga salitang iyon ay nababagay rin gamitin para ilarawan ang eksena ng pagpapakamatay ni Hannah Baker sa seryeng “13 Reasons Why”.
Talagang ipinakita sa dramang pang-tinedyer kung paano hiniwa ni Hannah ang kanyang mga braso gamit ang blade habang nakalubog sa bathtub. Kitang-kita ang pagsirit ng dugo ni Hannah nagpakulay pula sa umaapaw na tubig. Halos hindi ko matingnan ang telebisyon habang nagaganap ang eksenang iyon. Kahit ang aking tatay at kapatid kong babae ay nahirapan ding panoorin ang pagpapakamatay ni Hannah. Mas nakakatakot pa ito sa mga pelikulang horror. Ganoon din ang naramdaman ko sa pelikulang “128 Hours”, kung saan pinutol ng bida ang kanyang braso na naipit sa malaking bato para makawala.
Dahil sa suicide scene na ito ay lalong naging kontrobersiyal ang “13 Reasons Why”. Sa serye na ito ay nakatanggap ang high school student na si Clay ng mga cassette tapes na naglalaman ng mga paliwanag ni Hannah kung bakit niya kinitil ang kanyang buhay.
Bagamat naging tagumpay ang serye sa dami ng nanoood ay inulan pa rin ito ng maraming kritisismo. May mga nagsabi na para na ring sinangayunan nito na ang pagpapakamatay ay kalutasan kung hindi na makayanan ang mga dagok ng buhay. May nabasa rin ako na baka tularan ito ng iba at gumawa din ng cassette tape recording bago magpakamatay. O di kaya ay maging creative at gumawa ng ibang gimik para mas pag-usapan ang gagawing pagpapatiwakal. Meron ding hindi nagustuhan ang ipinakita nitong pagtuturo ni Hannah sa ibang tao na siyang dahilan ng pag-ayaw na niyang mabuhay.
Sa punto ng isang manonood ay naibigan ko ang serye. Naging importante sa akin na makilala ang mga karakter at matunghayan ang mga kaganapan sa kanilang buhay. Kahit na sa totoo lang ay gusto ko silang lahat na pagbabatukan.
Ngunit mairerekomenda ko ba itong panoorin ng iba? Sa ganang akin ay nararapat itong panoorin ng may mga kasama tulad ng pamilya o mga kaibigan, at pag-usapan kung ano ang natunghayan. Mahirap itong panoorin mag-isa lalo na ang eksena ng pagpapakamatay. Baka may makapanood nito na nararanasan ang pinagdaanan ni Hannah. Maigi na may kasama siya na nasa na nasa wastong pag-iisip na makakausap niya. Kung magkaroon man siya ng ideya na tularan si Hannah, sana ay maagapan ito ng masinsinang pag-uusap.
#13reasonswhy
No comments:
Post a Comment