Nadiskubre ko kasi ang Netflix. Isa itong plataporma sa internet kung saan makapanonood ka ng mga pelikula at serye. Hindi nga lang ito libre at may buwanang bayad na P500. Ang naibigan ko sa Netflix ay ang paglikha nila ng mga orihinal na serye na sa kanila lang mapapanood. At ang kaibahan nito sa mga serye ng Amerika na minsan sa isang linggo kung ipalabas ang bawat yugto, ang mga serye ng Netflix ay inilalabas ng isang bagsakan. Ibig sabihin, puwede mo ng mapanood ang buong season ng isang serye sa isang upuan lang. Hindi mo na kailangang maghintay ng isang linggo para mapanood ang susunod na yugto.
Natapos ko nang panoorin ang unang season ng Stranger Things at 13 Reasons Why? Kasalukuyan kong pinanonood ang A Series of Unfortunate Events. Gusto ko namang isunod ang Daredevil.
No comments:
Post a Comment